TESDA GRADUATES IN-DEMAND SA TRABAHO
NANINDIGAN si Technical Education and Skills Development Authority Deputy Director General Aniceto “John” Bertiz na naha-hire o natatanggap sa trabaho ang mga nagsanay o mga nagtapos ng short courses na holder ng national certificate.
Halibawa nito ay ang mga nagtapos ng welding courses para sa mga construction.
Habang nangunguna pa rin ang kurso sa information, communications and technology at maging sa customer services.
Sinagot din ng dating kongresista ang ulat na hindi nakakapasok o mababa ang sahod ng indibidwal na nagsanay sa kanila.
“May dual training sila, mayroon namagn nagha-hire at ang lahat ng prorama ay demand driuven, kung mababa ang suweldo, siguro concern ito ng Department of Labor and Employment,” ani Bertiz.
Ibinida rin ng TESDA official na nananatiling in-demand ang mga nakatapos sa kanila at sa katunayan, para sa susunod na limang taon ay kinakailangan ang 2.5 milyong trabahador na nakatapos ng technical courses habang nasa 200,000 pa lang ang kanilang napoprodyus.
“Tuloy pa rin ang demand sa IT sectors, ‘yung mga information, communications, ganoon na rin sa mga call centers customer service , ang laki ng kulang dito kami pokus, ang projection nila in the next 5 years additional 2.5 million,” ani Bertiz.
Pagdidiin pa ni Bertiz na isinusulong pa nila na makapag-supply ng TESDA graduates dahil mataas ang demand mula sa ibang bansa.
Kasabay nito ang pagtaas ng antas ng kakayahan ng kanilang learners sa pamamagitan ng pagyakap sa teknolohiya.