TESDA CENTERS IPINATATAYO SA CAGAYAN DE ORO CITY
WALONG panukala ang inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez para sa pagtatayo ng walong magkakahiwalay na Technical Education and Skills Development Authority Training and Assessment Center sa lungsod.
Inihain ni Rodriguez ang House Bills 10223, 10224, 10225, 10226, 10227, 10228 10229 at 10230.
Ang TESDA Training and Assessment Centers ay ipinatatayo sa Barangays 1-5, Barangays 6-10, Baarangays 11-15, Barangays 16-20, Barangays 21-25, Barangays 26-30, Barangays 31-35 at Barangays 36-40.
Binigyang-diin ni Rodriguez sa mga panukala na mahalaga ang TESDA training and assessment center para sa high school graduates, college graduates at out-of-school youth.
“The Center will help the beneficiaries become productive, self-reliant and globally competitive labor assets,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang explanatory note sa mga panukala.
Binigyang-diin ng kongresista na sa pamamagitan ng mga center, mabibigyan ng nararapat na traning programs ang mga residente ng bawat barangay.
Bibigyan din ng technical-vocational training ang mga guro at magkakaroon ng curriculum na nararapat para sa secondary schools na may technical-vocational livelihood track sa ilalim ng K to 12 Program.