Nation

TESDA BINUKSAN ANG APLIKASYON PARA SA LIBRENG LANGUAGE COURSE

/ 14 July 2023

BINUKSAN ng Technical Education and Skills Development Authority ang aplikasyon para sa mga libreng language course.

Sa isang Facebook post, sinabi ng TESDA na ang National Language Skills Center nito ay tumatanggap na ng pre-registration para sa mga sumusunod na language program, na magsisimula sa Agosto 2023.

• Basic Korean Language and Culture (100 oras)
• Japanese Language and Culture (150 oras)
• Japanese Language and Culture – Level II (300 oras)
• Spanish Language for Different Vocations (100 oras)
• English Proficiency for Customer Service Workers (100 oras)

Gaganapin ang face-to-face training ng apat na oras mula Lunes hanggang Biyernes. Mayroon itong sesyon sa umaga at hapon.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat 18 taong gulang pataas at hindi bababa sa mga nagtapos ng high school.

Maaaring mag-pre-register sa pamamagitan ng [email protected].