TERTIARY EDUCATION SUBSIDY PALALAWAKIN SA PRIVATE HEIs
INAPRUBAHAN na sa 2nd reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa pagpapalawak ng saklaw ng tertiary education subsidy.
INAPRUBAHAN na sa 2nd reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa pagpapalawak ng saklaw ng tertiary education subsidy.
Layon ng House Bill 10560 na substitute bill sa House Bill 8137 na saklawin na ng Tertiary Education Subsidy ang mahihirap na estudyante sa private higher education institutions.
Sa inaprubahang panukala, aamyendahan ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education na limitado lamang sa mga estudyante sa local at state universities and colleges.
Ipinaliwanag ng may akda ng panukala na si Baguio City Rep. Mark Go na may mga lugar sa bansa na walang local at state universities and colleges kaya dapat payagan ang mga estudyante mula sa pribadong paaralan na makapag-aplay sa subsidiya.
Sa inaprubahang panukala, magkakaroon ng budegtary allocation sa pamamagitan ng voucher system para sa mahihirap at academically competent students na nais mag-aral sa private HEIs at private Technical Vocational Institutions sa mga lugar na walang SUCs, LUCs at public TVIs.
Saklaw ng benepisyo ang tuition at iba pang school fees, kasama rin ang allowance para sa libro, school fees, transportasyon at reasonable allowance para sa documented rental o pagbili ng personal computer o laptop kung kinakailangan.
Batay sa rekord, sa kasalukuyan ay 242 public HEIs, kabilang na ang state universities and colleges, local universities and colleges at ilan pang special education institutions ang saklaw ng scholarship program.
Ipinaliwanag ni Go na nagiging limitado ang saklaw ng programa dahil sa geographical considerations bukod pa sa limitadong kurso na opsyon ng mga estudyante sa mga public HEI.