Nation

TEENAGE PREGNANCY IPINADEDEKLARANG HEALTH EMERGENCY, SOCIAL INJUSTICE

/ 20 February 2021

SUPORTADO ni Senadora Risa Hontiveros ang panukalang ideklarang health emergency at social injustice ang patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Nangako rin ang chairperson ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations na diringgin ang mga resolution na nananawagan ng inquiry in aid of legislation sa nakaalarmang bilang ng teen preganancy.

“As the Chair of the Senate Committee on Women, Children and Family Relations, I will see to it that the resolutions filed by Senators Nancy Binay, Sonny Angara, and Leila de Lima, which all seek an investigation into these alarming teen pregnancies, are heard at the Senate immediately. Ang nakataya dito sa pag-iimbestiga natin sa krisis na ito ay ang kapakanan, kinabukasan, mga pangarap at ang mismong buhay ng susunod na henerasyon ng mga Filipino,” pahayag ni Hontiveros.

Bukod dito, muli ring isasalang ni Hontiveros sa pagtalakay ng komite ang Teen Pregnancy Prevention Bill kasabay ng pagtiyak na handa siyang tumanggap ng anumang pag-amyenda sa panukala.

“Sampung taon nang patuloy na umaakyat ang mga kaso ng mga batang nabubuntis. Ito’y 10 taon na napapabayaan ang kababaihan at kabataan natin, at ang kinabukasan nila. Sampung taon gulang din ang edad ng ilan sa mga child mother, na nalalagay sa peligro ng kamatayan dahil minsan hindi nakakaya ng mga katawan nila,” sabi pa ni Hontiveros.

Binigyang-diin pa ng senadora na sa gitna ng teenage pregnancy, naisasapalaran ang physical at mental health, edukasyon, at financial independence ng mga child mom at ng kanilang mga anak.

“Every time a child gives birth there are more channels for the country to fall deeper into intergenerational poverty. NEDA in 2019 said we lose 24 to 42 billion pesos caused by early childbearing. As the Covid19 pandemic continues to devastate our country, the stakes and the consequences get higher and higher,” paliwanag pa ng senadora.