Nation

TECH4ED PROJECT NG DICT PINAPOPONDOHAN

/ 22 November 2020

INIREKOMENDA ni Senadora Grace Poe sa Senado  na pondohan ang Tech4Ed project ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maraming estudyante ang matulungan.

Sinabi ni Poe na sa ilalim ng programa, magtatayo ang DICT ng digital learning centers na kailangan ngayon ng maraming estudyante sa gitna ng ipinatutupad na distance learning.

“I am told, (the program) aims to equipped about 500,000 students and 25,000 teachers with laptops, pocket wifi devices and other gadgets needed,” pahayag ni Poe.

Gayunman, sa hiling na P3.44 billion na pondo para sa proyekto, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, sponsor ng budget ng DICT, na P100 million lamang ang alokasyon ng Department of Budget and Management.

“Baka puwede naman nating dagdagan kasi ang daming may kailangan ng digital learning centers. Baka puwede pa nating taasan ng kaunti ‘yan. Kasi imagine, 500,000 students, 25,000 teachers will be given laptops,” diin pa ni Poe sa interpelasyon sa DICT budget.

“Baka naman puwede nating taasan, parang insulto naman ang P100 million, ‘di ba? Administration cost pa lang wala ka nang mabibili na laptop niyan,” dagdag pa niya.

Sa paliwanag ng DICT, ang Tech4ED project ay magbibigay ng access points sa mga indibidwal at komunidad upang magsilbing tulay sa gap ng digital at edukasyon.

“It promotes grassroots development and opportunities for inclusive growth and poverty reduction. It will give communities access to information, communication, technology, government services, non-formal education, skills training, telehealth, job markets, and business portals,” paliwanag ng DICT sa kanilang proyekto.