Nation

TAX-FREE GADGETS ISINUSULONG SA KONGRESO NI REP. PRECIOUS CASTELO

/ 27 August 2020

SA LAYUNING tuluyang maisabatas ang kanyang rekomendasyon, inihain na ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo ang panukala na huwag nang buwisan ang mga gadget na gagamitin sa online classes.

Sa kanyang House Bill 7436 o ang proposed Electronic Gadgets for Online Distance Learning Tax Exemption Act, sinabi ni Hipolito na isa sa matinding suliranin ngayon ng mga guro, estudyante at magulang ang kalawan ng kagamitan para sa bagong sistema sa pag-aaral.

Ipinaliwanag ng kongresista na dahil sa Covid19 pandemic, nadiinan ang probisyon sa Konstitusyon na kinikilala ang komunikasyon at impormasyon na mahalaga sa nation building.

“Now, more than ever, going digital is inevitable and necessary, especially in the education sector,” pahayag ni Hipolito sa kanyang explanatory note.

Binigyang-diin pa ni Hipolito na isa sa mga dahilan kaya marami ang humiling na iatras ang pagbubukas ng klase ay ang kawalan ng resoources, equipment at pangkalahatang kahandaan para sa modular at online distance learning.

“Electronic gadgets with necessary specifications for studying are not affordable to everyone. Taxes such as customs duties and Value Added Tax make these gadgets more expensive,” dagdag pa ng kongresista.

Alinsunod sa panukala, lahat ng electronic gadgets tulad ng laptops, mobile phones, tablets at mga kahalintulad na devices na gagamitin ng estudyante sa online distance learning ay hindi papatawan ng buwis at iba pang fees.