TAX-FREE DIGITAL EDUCATIONAL MATERIALS ISINUSULONG SA SENADO
NAIS ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na isama sa mga exempted sa Value Added Tax ang educational materials na nasa digital o electronic format.
Sa Senate Bill 604, isinusulong ni Recto ang pag-amyenda sa National Internal Revenue Code of 1997 upang saklawin sa VAT exemptions ang pagbebenta ng mga libro, diyaryo, magazines, journals, reviews, bulletins at iba pang educational o learning materials na nasa digital o electronic format.
Ipinaliwanag ni Recto na sa mga nakalipas na taon ay nagsimula nang gamitin sa pag-aaral ang mga gadget tulad ng digital books, e-readers, smart phone at tablets.
“Thus, it would only be a matter of time before learning institutions in the country start to require their students to bring the latest electronic technology to class,” pahayag ni Recto sa kanyang explanatory note.
Sinabi ni Recto na bukod sa madaling bitbitin, eco-friendly at space-saving, mas madali pa sa mga estudyante ang pagda-download ng mga e-book at iba pang kapaki-pakinabang na reading materials mula sa internet.
“Unfortunately, students might find it more expensive to download e-books than buying its printed format since the former is not VAT-exempt,” paliwanag pa ng senador.
Sa kasalukuyang batas, libre na sa VAT ang printed learning materials subalit dahil noong panahong tinatalakay ang VAT Reform Act noong 2005 ay wala pang e-books at iba pang digitally formatted reading at learning materials kaya hindi ito napabilang sa talaan ng mga hindi dapat patawan ng buwis.