TASK FORCE SA DISTANCE LEARNING PINABUBUO SA GOV’T AGENCIES, TELCOS
INIREKOMENDA ng House panel ang resolution para sa pagbuo ng task force na mag-aaral sa home-based virtual education system na ipatutupad ngayong Covid19 pandemic para sa mga estudyante at guro ng K to 12.
Sa Committee Report 376, inaprubahan ng House Committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education, ang House Resolution 969 na inihain nina Representatives Romulo Banas-Nograles at Mark Go.
Sa naturang resolution, hinikayat ang Department of Education, Department of Information and Communications Technology at Department of Health, kasama ang major telecommunitions, para bumuo ng task force.
Mandato ng task force na bumalangkas ng epektibong home-based virtual education system para sa panahon ng pandemya.
Inirekomenda rin sa resolution na magiging bahagi ng corporate social responsibility ng mga telecommunication company ang pagbibigay ng libreng internet bandwith sa mga guro at estudyante.
Dapat ding tumulong ang mga kompanya sa pagdidisenyo ng alternatibong web-based learning system na accessible sa lahat.