Nation

TARLAC STATE U GAGAWING GLOBALLY COMPETITIVE

/ 4 October 2020

ISINUSULONG ng isang kongresista ang pag-amyenda sa charter ng Tarlac State University upang makasabay sa mga kasalukuyang pangangailangan at maging globally competitive at ‘future-proof’.

Sa paghahain ng House Bill 7797, binigyang-diin ni Tarlac 2nd District Rep. Victor Yap na may 114 taon na simula nang itayo ang TSU noong 1906 at mahigit 30 taon na simula nang maiangat sa university status kaya kailangan nang i-update ang kanilang charter.

Sinabi ni Yap na ang TSU ay isa sa most admired at respected public universities sa bansa at marami na ring achievement kasabay ng pakikipagparter sa iba’t ibang kilalang education instiitutions.

Gayunman, iginiit ng kongresista na kailangang amyendahan ang charter ng unibersidad para makatugon sa mga bagong pangangailangan at ihanda ang mga estudyante sa global development.

“This bill, therefore, seeks to amend Republic Act 6764, also known as Tarlac State University Charter and update its provisions to make the university globally competitive and future-proof. It is hope of this humble representation and through this legislation, TSU will finally reach its goal of becoming a premier university in the Asia-Pacific region,” pahayag ni Yap sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, magkakaroon din sa unibersidad ng mga curricular program sa science and technology, education, business, humanities law, medicine and allied medical professions, sports at human kinetic at iba pang programa na aaprubahan ng Board of Regents.

Magkakaroon din ng post graduate programs sa public administration, public works, human services, social work at executive programs na tutugon sa pangangailangan sa business and industry, public servants and leaders at mga magiging lider tulad ng Executive Programs / Ladderized programs para sa leaders, public servants at business managers.

Inoobliga rin sa panukala ang pagtatayo ng laboratory school sa ilalim ng College of Teacher Education para palawakin pa ang kanilang curricular programs.