TAGUIG LG MAY ALOK NA SCHOLARSHIPSA SHS GRADS
MAY alok na scholarship grant ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga senior high school graduate para makapagkolehiyo, gayundin sa technical at vocational courses.
Igagawad ang scholarship grant na tinawag na Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship sa mga nagtapos ng pag-aaral na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pampubliko o pribadong unibersidad.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang bawat magtatapos na estudyante ng senior high school ay maaaring maging scholar na makatatanggap ng P15,000 hanggang P50,000 sa bawat taon depende sa uri ng scholarship na napili.
Nasasakop ng scholarship grant ang mga residente ng mga barangay ng Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Barangay Rizal.
Sa opisyal na Facebook post ng Taguig ay bukas ang lokal na pamahalaan sa lahat ng gustong makapagtapos ng pag-aaral.