Nation

SUSTAINABLE POWER SUPPLY AT EV TAX BREAK TUGON SA CLIMATE CRISIS – ENVI GROUPS

/ 2 March 2023

MAYNILA – Iginiit ng ilang environmental groups na mahalagang bahagi ang electric vehicles sa pagtugon ng problema sa klima, ngunit mas kinakailangan umano nito ng pinaigting na suporta mula sa gobyerno sa parte ng policy-making at power generation.

Ito’y matapos ipasa ng gobyerno ang Executive Order No. 12 series of 2023 na kung saan inamyenda ang taripa para sa mga EVs at mga piyesa nito upang matulungan ang paglipat ng bansa mula sa gas-fueled papunta sa electrically-propelled vehicles.

Matatandaang sa ilalim ng EO12, iba’t ibang uri ng EVs ang naisama sa tax breaks maliban sa electric motorcycles na nakatatanggap pa rin ng 30 porsyentong import duty.

Sa nagkaisang pahayag ng The Climate Reality Project (TCRP) Philippines at ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), sinabi ng dalawang grupo na kailangang siguruhin ng bansa ang paglipat nito sa renewable energy pati na rin ang pagkakaroon ng pampublikong imprastraktura para sa mobility ng mga tao.

“The shift to electric vehicles is vital in addressing the prevailing climate crisis. However, electrification is only ideal when the source of electrification is renewable energy; and when we can provide affordable, stable, and flexible electricity rates for every Filipino household,” sabi ni Nazrin Camille Castro, ang Branch Manager ng TCRP.

Ayon sa Statista Research Department, ang power production ng Pilipinas ay pinangungunahan pa rin ng coal sa 47.6 porsyento, sinundan ng fossils sa 18 porsyento, at gas sa 10.7 porsyento na may kabuuang 76.3 porsyento.

Samantala, ang iba’t ibang uri ng renewable energy tulad ng wind, solar, bioenergy, hydro, at iba pang renewables ay nasasaklaw lamang ang 23.7 porsyento ng kabuuan ng power source ng bansa.

“We can accelerate the renewable energy transition by ending policies that allow fossil fuel companies to pass the higher costs of imported coal on to the consumers and create an enabling environment for more renewable energy producers,” saad ni Castro.

“We need to approach electrification of vehicles not just through market incentives, but address vital points where electric vehicles’ potential can really address hardworking commuters’ needs which include secure, flexible, reliable, and affordable energy via renewables; and systematically address congestion by enabling public infrastructure for people’s mobility, not cars,” dinagdag pa niya.

Sinabi rin ni Castro na kailangang mas maging sustainable at climate-friendly ang mga car-centric na mga imprastraktura na bumubuo sa mahigit 80 porsyento ng road spaces ng bansa. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming bike lanes, walkways, at green spaces.

Sa kadahilanang isa ang Pilipinas sa mga bansang nanganganib sa banta ng climate change, ang paglipat ng bansa sa EVs at ang layunin nitong maging full electric sa taong 2024 ay isa sa mga solusyon upang matugunan ang epekto nito.

Ang mga landmark policies katulad ng Republic Act No. 11697 o Electric Vehicle Industry Development Act ay kasalukuyang ipinatutupad upang matulungang maging kumbensyunal ang paggamit ng EV, at maisulong ang tamang imprastraktura para sa nasabing industriya.