Nation

SUSPENSIYON NG KLASE SA MARIKINA EXTENDED HANGGANG NOB. 17

/ 13 November 2020

INANUNSIYO ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na extended ang suspensiyon ng klase sa mga public at private school sa lungsod hanggang Martes, Nobyembre 17.

Ayon kay Teodoro, ang pagpapalawig ng suspensiyon ng klase ay bilang konsiderasyon sa mga apektadong guro at mag-aaral sa lungsod na kasalukuyang bumabangon mula sa pananalasa ng bagyong Ulyssess.

“Yes, tingin ko wala pa ring klase tayo dahil nakalubog pa rin ang Marikina at wala ring internet connection,” sabi ni Teodoro.

“Maglilinis pa ng mga bahay nila at saka maraming modules ang nawala eh,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, inilagay ni Teodoro sa state of calamity ang lungsod dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses.

Sa ilalim ng state of calamity, pinapayagan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang calamity funds para asistihan  ang mga apektadong residente.

Malaking bahagi ng Marikina ang lubog sa baha matapos na umapaw ang Marikina River dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Ulysses.