SUPORTA SA DEPED TINIYAK NG TDC
TINIYAK ng Teachers’ Dignity Coalition na suportado nila ang pamahalaan, partikular ang Department of Education, at hindi sila tutol sa face-to-face classes.
Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, nais lamang nila ng kaunting panahon para sa in-person classes at magkaroon ng sapat na pahinga.
Aniya, ang mga naglabasang saloobin ay hindi naman pagtutol sa liderato ng DepEd at ipinaliwanag na nais lamang ng sapat na pahinga habang papasok na sa panibagong school year.
Dagdag pa ni Basas na inilalabas lang nila ang kanilang saloobin dahil pare-pareho silang apektado ng sitwasyon.
Hangad, aniya, ng kanilang grupo na makausap si Vice President Sara Duterte, na kalihim ng DepEd, para maipaliwanag nila ang iba pang sentimiyento.