Nation

SUCs SA MINDANAO PINAPOPONDOHAN

/ 29 September 2021

HINILING ng dalawang kongresista mula sa Mindanao sa liderato ng Kamara at sa Development Budget Coordination Committee na maglaan ng pondo para sa operasyon ng state universities and colleges sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inihain nina Deputy Speaker Mujiv Hataman at Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan ang Resolution 2251 na nagsusulong sa alokasyon ng pondo para sa Adiong Memorial Polytechnic State College, Cotabato State University, Sulu State College, at Tawi-Tawi Regional Agricultural College.

Sinabi ng dalawang mambabatas na walang nakalaang pondo para sa naturang mga SUC sa proposed 2022 national budget.

“These SUCs which have existed before creation of BARMM, and their charters provide that their funding requirements shall be provided by the national government,” nakasaad sa resolution.

“This outright removal of funding by the national government will seriously threaten, not only the operation, but the very existence of these state colleges and universities in the BARMM,” dagdag pa ng mga kongresista.

Nagbabala ang mga mambabatas na kung hindi mapopondohan ang mga SUC na ito ay libo-libong estudyante, guro at mga tauhan ang maaapektuhan.

Ipinaalala rin nina Hataman at Sangcopan ang Section 16, Article 9 ng Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law na nagsasaad na: “Any school, college or university existing in the Bangsamoro Autonomous Region as of the effectivity of this Organic Law, and such other schools and institutions that may be established hereinafter shall be deemed integral components of the educational system of the Bangsamoro Autonomous Region, and shall be governed by their respective charters.”

Bukod sa resolution, sumulat din sina Hataman at Sangcopan kay House Speaker Lord Allan Velasco, sa pamamagitan nina appropriations panel chairperson Representative Eric Yap at higher and technical education committee chairman Representative Mark Go para sa kanilang kahiligan.