SUBSIDIYA SA JUNIOR, SENIOR HIGH STUDENTS TULOY PA RIN — DEPED
INIHAYAG ng Department of Education na tuloy-tuloy pa rin ang subsidiya para sa mga junior at senior high school enrollees sa mga private school kahit ngayong panahon ng pandemya.
Paliwanag ng kalihim, hindi maaaring hindi ituloy ang subsidiya sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan dahil nasa batas ito.
“Ang sagot niyan ay tuloy, dahil nasa batas iyan at saka iyong benefits halimbawa, ilang buwan na wala tayong klase kasi March-April bakasyon tapos May, June dapat nag-umpisa na tayo,” pahayag ni Briones.
May nakalaang subsidiya ang pamahalaan sa pamamagitan ng voucher program kung saan ang mga nakakumpleto ng Grade 10 (junior high school) na nais ipagpatuloy ang pag-aaral sa senior high school (Grade 11 at 12) sa private high schools, private universities, local universities at colleges, at technical vocational schools.
Tiniyak din ng kalihim na lahat ng mga guro ay makatatanggap ng mga benepisyo.
“Ngayon, October lang tayo nag-opening ng schools. Tuloy ang lahat ng benefits, we spend P32 billion a month for the benefits and salaries of teachers and kung one year iyan, that’s P395 billion. Tuloy iyan dahil that’s provided by law,” sabi ni Briones.