STUDENT LOAN PROGRAM PARA SA TERTIARY EDUCATION APRUB NA SA HOUSE PANEL
INAPRUBAHAN na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukala pa-ra sa paglalaan ng inclusive and responsive student loan program para sa tertiary education.
Sa virtual hearing ng komite na pinangunahan ni Baguio City Rep. Mark Go bilang chairman, inilatag ni Rep, Jesus ‘Bong’ Suntay ang layunin ng kanyang House Bill 7486.
Sa panukala, nais ni Suntay na amyendahan ang ilang probisyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
“Education is not only a major factor in the nation’s economic and social growth but also an im-portant tool for human development. However, despite government efforts to make education accessible to all citizens through scholarships, grant-in-aid, and special loan programs, quality education remains inaccessible to many, especially to the poor or underprivileged,” pahayag ni Suntay.
Binigyang-diin pa ni Suntay sa pagdinig na dahil sa mataas na matrikula at ibang pang gastusin sa higher education institutions, maraming high school graduates ang hindi na nakapagpapatuloy ng pag-aaral.
Sinabi naman ni Atty. Ryan Esteves, director ng Unifast Program, na pabor sila sa panukala, partikular sa probisyon na maaari silang pumasok sa kasunduan sa accredited Government Fi-nancial Institutions, mga bangko at iba pang government agencies.
Inamin ni Esteves na ang malaking hamon sa kanila sa pagbibigay ng student loan ay ang koleksyon o paniningil sa pautang.
“Medyo nahirapan po kami, we look at the collection side, we don’t yet have the experience of student loans in the country but we can actually explore through banks,” paliwanag ni Esteves.
Ikinatuwa rin ni Coordinating Council of Private Educational Associations Managing Director Jo-seph Noel Estrada ang panukala dahil marami ring estudyante ang hindi kwalipikado sa mga programa ng gobyerno para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Iminungkahi naman ni Estrada na huwag isama sa priority para sa student loan ang mga es-tudyante na naka-enroll na sa State Universities and Colleges na nabibigyan ng libreng pag-aaral.
Alinsunod sa panukala, ang student loan ay pababayaran sa loob ng limang taon nang walang interes.