STUDENT ACTIVISM TITINDI SA TERMINATION NG UP-DND ACCORD — SOLONS
NANINIWALA ang ilang mambabatas na titindi pa ang student activism dahil sa kanselasyon ng kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines at ng Department of National Defense.
Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, magdudulot ng chilling effect ang kanselasyon ng kasunduan sa implementasyon ng academic freedom, freedom of speech at freedom of assembly.
Ibinabala niya na maaari ring maging dahilan ito para tuluyang maging extremist ang mga political dissenter.
Sinabi naman ni House Committee on National Defense Vice Chairman Ruffy Biazon na dahil sa naging aksyon ng DND ay maaaring ituring pa ng UP at ng kabataan ang mga miyembro ng AFP at PNP bilang mga kaaway sa halip na mga protektor.
Iginiit naman nina House Minority Leaders Joseph Stephen Paduano at Carlos Zarate na hindi dumaan sa due process ang termination na hindi dapat unilateral lamang.
Ipinahiwatig naman ni Rep. Kit Belmonte ang pagsusulong ng pag-amyenda sa UP charter upang isama ang mga restriction na nakasaad sa UP-DND accord.
“History tells us, repression breeds resistance. At lalo lang nilang palakihin ang problema instead of solving it,” giit pa ni Belmonte.
Nangangamba naman ang iba pang kongresista na dahil sa termination ng kasunduan ay mas titindi ang militarisasyon sa mga pamantasan at kolehiyo sa bansa .
“The unilateral termination of the accord reeks of Duterte’s desperation to stifle dissent and free speech in the university, especially as UP has been a safe haven for democratic protests even during the militarist lockdown. They want to control every democratic space and arena possible using the twisted pretext of supposed Reds’ recruitment. This is reminiscent of their alibi regarding the ridiculous Red October, wherein they claimed schools are recruitment grounds for NPA,” pahayag ni Rep. Arlene Brosas.
“This is clearly an attempt to further sow fear, intensify the attacks on academic freedom and threaten the rights of teachers and students by the Duterte administration,” giit naman ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.