SRP SA GADGETS NA GAGAMITIN SA BLENDED LEARNING ILALATAG NG DTI
DAHIL mahigit isang buwan na lang ay magsisimula na ang blended learning, double time na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatakda ng suggested retail price sa mga gadget na gagamitin ng mga estudyante sa online classes sa Oktubre 5.
Ito ay kasunod na rin ng ulat ng biglang taas ng presyo ng computers, laptops at tablets na pangunahing gagamitin ng mga estudyante.
Bukod sa mataas na presyo, naiulat na rin ang kakulangan nito kaya naman kakausapin ng DTI ang mga distributor at manufacturer ng nabanggit na mga kagamitan habang puspusan din ang pag-monitor ng ahensiya sa mga tindahan kung may nagho-hoard nito para bigyang katuwiran ang pagtataas ng presyo.
Panawagan naman ng mga magulang na bilisan ng DTI ang pagtatakda ng price ceiling sa mga laptop at tablet dahil sa pangambang baka mahuli ang desisyon at nakabili na sila.
Magugunitang maraming magulang ang umangal dahil nagkakahirapan na ang pagbili sa nasa-bing mga gadget at kung mayroon man ay biglang tumaas ang halaga.