Nation

SPECIALTY SCHOOL FOR ARTS IPINATATAYO SA CEBU CITY

/ 18 January 2021

ISINUSULONG ni Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon ang panukala para sa pagtatayo ng Specialty School sa Cebu City na tututok sa Arts.

Sa House Bill 4511 o ang proposed Visayas School for the Arts Charter, magiging pokus ng itatayong paaralan ang pagtuturo ng contemporary arts at pangungunahan nito ang pangangalaga at promosyon sa traditional arts para sa Visayan people.

“Arts, in its various forms, is an important part of society. It helps preserve our identity as a people and represents our common dreams and aspirations for the noblest of values and ideals,” pahayag ni Lagon sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag ng kongresista na dahi sa kawalan ng specialty school sa Visayas, marami ang hindi nade-develop ang talento.

“Most especially, the traditional forms of the Visayan people are gradually fading away as the new generation of artists focus on mainstream arts,” dagdag pa ng kongresista.

Alinsunod sa panukala, itatayo ang Visayas School for the Arts sa Cebu City na ang pangunahing layunin ay bumuo ng mga may talento sa arts at pangalagaan ang Visayan Traditional arts.

Babalangkas din ng special curriculum para sa arts at magsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa Visayan traditional arts ng iba’t ibang ethnic group.