Nation

SPECIAL UNIVERSITY PARA SA PISAY GRADS ISINUSULONG NG DOST

/ 12 September 2024

TARGET ng Department of Science and Technology na makapagtayo ng isang unibersidad na mapapasukan ng mga nagtapos sa Philippine Science High School.

Sa pagtalakay sa panukalang 2025 budget ng DOST, sinabi ni Secretary Renato Solidum na sa itatayong special university maaaring mag-aral ang matatalinong graduate ng Pisay.

Subalit patuloy pa aniyang pinag-aaralan ito dahill posibleng magkaroon ng overlapping functions sa iba pang unibersidad at sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Bukod dito, isinusulong ng DOST na magkaroon pa ng dagdag na 10 campuses ang Pisay na itatayo sa mga highly populated area.

Sinabi ni Solidum na dagdag ito sa 16 na kasalukuyang campuses ngayon ng Pisay na nakatayo na sa bawat rehiyon sa bansa.

Ayon kay Dr. Ronalee Orteza, executive director ng Pisay, mangangailangan ng P300 milyon na inisyal na pondo para sa pagpapatayo ng isang campus.

Kasama na rito ang mga itatayong gusali, kabilang na ang academic buildings, administration buliding, basic laboratories at dormitory kasama na rin ang 15 guro at 12 non- teaching personnel.

Inihayag din ni Orteza na 80-90 percent ng mga estudyante ng Pisay ay nananatilli sa kanilang mga dormitoryo dahil mayroon silang monitored study time na mula alas-7 hanggang alas-9:30 ng gabi.