Nation

SPECIAL LOAN WINDOW SA MGA BANGKO IPINALALAAAN SA MGA GURO

/ 13 April 2021

ISINUSULONG ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo ang panukala na mag-oobliga sa mga government-owned bank na magkaroon ng special loan window para sa public school teachers.

Sa kanyang House Bill 1015 o ang proposed Public School Teachers Special Loan Window Act, sinabi ni Castelo na dapat masuportahan ang mga guro na magkaroon ng disenteng pamumuhay.

“Unlike any other noble profession, teaching is perhaps the type that calls for the need that teachers become the role models themselves,” pahayag ni Castelo sa kanyang explanatory note.

Iginiit ng mambabatas na dapat matulungan ang mga guro na maging ligtas sa panganib dulot ng ‘loan sharks’ na nagsasamantala sa kanilang pangangailangan.

“It is the intent of this bill to help the teachers sector cope with hard times given certain hardships,” diin pa ng kongresista.

Sa kanyang panukala, ang special loan window ay magpoproseso ng pautang sa mga guro na may mas mababang interes kumpara sa regular loans.

Nakasaad sa batas na bukod sa emergency loan, maaari ring mag-avail ng iba pang financial assistance ang mga public school teacher.