Nation

SPECIAL EDUCATION FUNDS SINISILIP PARA SA HIRING NG ‘PARA’ AT ‘VOLUNTEER’ TEACHERS

/ 17 September 2020

SINABI ng Department of Education na bumabalangkas na sila ng guidelines para sa pagha-hire ng para-teachers at volunteer teachers na magtuturo sa mga mag-aaral bilang bahagi ng blended learning program ng ahensiya.

“Bumubuo na tayo, binabalangkas na natin ‘yung guidelines doon sa tinatawag nating learner support gauge natin, iyon po ang magga-guide po sa paggamit noong mga learner support gauge natin,” sabi ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo sa lingguhang virtual ‘Handang Isip, Handa Bukas’ press briefing.

Ayon kay Mateo, maaaring  kunin ang pondo sa pagha-hire ng mga karagdagang guro mula sa Special Education Fund ng mga local government unit.

“Ang funding nito kagaya ng sabi namin, ang tinitingnan natin ‘yung Special Education Fund po at saka kung mayroon pa pong natira doon sa school Maintenance and Other Operating Expenses natin, ‘yung school MOOE po, pero mas maganda po kung sa Special Education Fund po,” sabi ni Mateo.

Sa ngayon, wala pa umanong eksaktong bilang ang Kagawaran kung ilan na ang mga nag-a-apply na para-teachers at volunteer teachers.

“Wala pa ho tayo kasi ang pagha-hire  po ng ating mga learner support gauge natin ay ayon po doon sa may modalitites na pipiliin nila at saka ‘yung requirement noong bawat school po,” ayon pa kay Mateo.

“So, ngayon wala pa po tayong consolidated figure kasi dahil sa flexibility nung ating pag-iimplement ng Basic Education Learning Continuity Plan, nasa sa ayon po iyan doon sa pangangailangan ng ating mga paaralan,” dagdag pa niya.