SOLON SA EDUCATION AUTHORITIES: LENTEN BREAK GAMITIN PARA PAG-ARALAN ANG SCHOOL CALENDAR
HINIMOK ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang education authorities na gamitin ang Lenten break upang pag-aralan ang mga suhestiyon na ibalik sa dati ang school calendar.
HINIMOK ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang education authorities na gamitin ang Lenten break upang pag-aralan ang mga suhestiyon na ibalik sa dati ang school calendar.
Sinabi ni Castro na dapat samantalahin ng mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa edukasyon ang bakasyon upang timbangin ang positibo at negatibong epekto ng pagbabalik ng school vacation sa summer.
“For education authorities to use the break, that aside from religious rites, isip-isip din ng paraan para makapag-compromise sa mga suggestions on the ground regarding the summer heat,” pahayag ni Castro sa The POST.
“Think other ways to become more sensitive to the clamor of education personnel on the ground,” dagdag pa ng kongresista.
Kasabay nito, nanawagan ang mambabatas sa mga estudyante at mga guro na gamitin ang Lenten break para makapiling ang kanilang nga mahal sa buhay.
“For Christian students and teachers have a blessed lenten season. Enjoy the long weekend with the family.Use the lenten break to rejuvenate and refresh,” pahayag ng mambabatas.