Nation

SOLON SA DEPED: ROLLOUT NG F2F CLASSES PALAWAKIN

/ 9 November 2021

NANAWAGAN si Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago sa Department of Education na palawakin pa ang rollout ng pilot face-to-face classes.

Sa kanyang privilege speech sa pagbabalik-sesyon ng Kamara, sinabi ni Elago na kailangang maisulong ang proactive at epektibong hakbangin upang mapabilis ang rollout ng ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

Binigyang-diin ni Elago na kabilang sa mga hakbang na dapat maisulong ay ang pagbalangkas ng mga regulasyon at paglalaan ng sapat na pondo para sa ligtas na reopening ng mga eskuwelahan na dapat simulan sa low-risk areas.

Sisimulan ng DepEd ang pilot implementation sa 120 paaralan, kabilang ang 95 public elementary schools, limang public senior high schools at 20 private schools sa Nobyembre 15.

“This situation is far from what is imperative of the State to perform its obligation to protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and take appropriate steps to make such education accessible to all,” pahayag ni Elago.

Iginiit ng kongresista na matagal nang isinusulong ng grupo ng mga estudyante at iba pang stakeholders ang safe, phased reopening of schools, limited face-to-face classes, P10,000 student education aid at ang ‘Walang Iwanan’ inclusive mechanisms upang walang estudyante ang mapag-iwanan.

“This representation believes that the needed funding is not only necessary but well within our means if only the current administration is willing to forgo dubious allocations in the billions for confidential and intelligence funds and other lump sums which are very prone to misuse and abuse,” dagdag ng kongresista.