SOLON SA DEPED: MAGHANAP NG IBANG MODES OF LEARNING
SA HALIP na face to face learning sa limitadong lugar, hinimok ni Sen. Bong Go ang Department of Education na maghanap ng iba pang paraan ng pagtuturo para sa pagbubukas ng klase.
Sinabi ni Go na kahit pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face to face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng Covid19, dapat din umanong tiyakin ng DepEd na ligtas ang bawat estudyante at maging ang mga guro sa panganib na dala ng virus.
“Let me reiterate po: No vaccine, no face-to-face as much as possible. Importante makapag-aral pa rin ang mga bata sa paraan na hindi sila mapipilitang ma-expose sa sakit,” pahayag ni Go.
Iginiit ng senador na mas makabubuting maghanap pa ng ibang paraan ang DepEd na maibibigay ang de kalidad na edukasyon sa mga estudyante subalit hindi makokompromiso ang kanilang ka-lusugan.
“Ayaw kong mapunta sa bata ang burden. Ayaw ko pong ma-pressure ang estudyante na pumasok sa eskwela tapos may banta naman sa kanilang kalusugan. Kaya binigyan ang DepEd ng option to recommend na ipagpaliban muna ang opening upang masiguro nila na maipapagpatuloy ang edukasy-on sa paraan na ligtas,” pagbibigay-diin ni Go.
Hinikayat din ng senador ang mga awtoridad na magsagawa ng regular na assessment sa sitwasyon sa bawat lugar habang papalapit ang araw ng pagbubukas muli ng klase upang makapagsagawa ng mga kaukulang hakbanging nababagay sa bawat sitwasyon.
“Let’s assess first kung ano ang mga susunod na mangyayari sa darating pang mga araw. Kahit ayaw nating maantala ang klase ng mga bata, pero importanteng safe sila,” paaalala ng senador.