Nation

SOLON SA DEPED, EDUCATION STAKEHOLDERS: MAGSAGAWA NG DAYALOGO PARA SA PAGBABALIK SA LUMANG SCHOOL CALENDAR

INIREKOMENDA ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pagsasagawa ng maraming diyalogo sa pagitan ng Department of Education at ng mga stakeholder upang maplantsa ang agarang pagbabalik sa old school calendar.

/ 5 May 2024

INIREKOMENDA ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pagsasagawa ng maraming diyalogo sa pagitan ng Department of Education at ng mga stakeholder upang maplantsa ang agarang pagbabalik sa old school calendar.

Kasabay nito, nagpasalamat si Castro na nakikinig ang DepEd sa mga hinaing at mga rekomendasyon para maiayos pa ang sistema sa mga paaralan.

“Mabuti at nakikinig ngayon ang DepEd sa panawagan ng mga guro at estudyante. Kailangan din lang na maglunsad ng mga dayalogo para maplantsa ang pagpapatupad ng old school calendar,” pahayag ni Castro.

Ipinaalala ni Castro na sa pagsisimula pa lamang ng taon ay nananawagan na sila na panahon nang ibalik sa dating sistema ang school calendar o ang pagpapatupad ng March, April at May na school break.

“Early this year at nararamdaman pa lang ang init ay sinabi na natin na dapat na kagyat na ibalik na sa old school calendar next year,” pahayag ni Castro.

“Sa susunod na school year, di na uubra na magdeclare na lang palagi ng asynchronous ang classes kapag masyado ng mainit dahil hindi naman din ito epektibong paraan ng pagtuturo,” dagdag ng kongresista.

Iginiit din ng mambabatas na dapat nang bilisan ang pagawa at damihan pa ang mga classroom na may maayos na ventilation upang hindi parang pugon ang mga ito at maging kaaya-aya sa pagtuturo at pagkatuto.