SOLON: PANGAKONG DAGDAG-SAHOD SA MGA GURO NAPAKO
PANGAKONG napako!
Ganito inilarawan ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte simula nang manungkulan ito noong 2016.
“Napakarami nang pangakong napako si President Duterte. Wala nang maaasahan pa ang sambayanang Pilipino, lalo na ang sektor ng edukasyon sa kanya para mas mapabuti ang kalagayan ng ating kapwa Pilipino,” pahayag ni Castro said.
“He promised an increase in the salaries of teachers and an end to contractualization. He promised us he would defend our national sovereignty from the threats of China, defend the ancestral lands of national minorities from mining, among many other economic reforms,” dagdag ng solon.
Ipinaliwanag ni Castro na limang taon nang naghihirap ang mga guro sa kawalan ng suporta, pagiging overworked at underpaid kasabay ng kanilang paghahangad na tutuparin ng gobyerno ang pangakong dagdag na sahod.
“This administration continues to neglect the education sector’s demand for adequate funds to support its blended distance learning program,” sabi ni Castro.
Sa kabila ng delayed na benepisyo, kawalan ng pondo para sa medical support at check-up at treatment ng mga guro, mababang suporta sa internet at communication expenses, patuloy ang mga guro sa pagtupad sa kanilang tungkulin para matiyak ang maayos na edukasyon sa kabataan.