Nation

SOLON: ‘DI KAILANGAN ANG PLASTIC BARRIERS SA KLASRUM

/ 30 November 2021

IGINIIT ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na hindi kailangang lagyan ng plastic barriers ang mga klasrum.

Ayon kay Castro, ito’y dahil limitado lamang ang mga estudyante na nasa loob ng klasrum.

“Napansin ko kasi itong mga barrier sa tingin ko hindi kailangan sa loob ng klasrum kung 15 to 16 students basta ma-maintain lang ‘yung 1.5 meters away ‘dun sa isa’t isa, ‘yung mga bata,” ani Castro.

Sa pagbubukas ng limited face-to-face classes sa ilang eskwelahan ay naglagay ng mga plastic barrier sa mga silid-aralan upang maiwasan ang physical contact ng mga estudyante.

Ayon pa kay Castro, nahihirapang magkaroon ng air circulation ang mga klasrum dahil sa plastic barrier.

“May mga nakita akong model, halimbawa dito sa Payatas at tska dun sa Pasig maayos ang kanilang paglalagay sa loob ng klasrum, so ‘yun ang kailangan natin,” dagdag ng mambabatas.