Nation

SOLON: 12M BABAE IKINASAL BAGO MAG-DEBUT

/ 9 March 2021

NASA 12 milyong batang babae ang ikinasal bago pa mag-debut dahil na rin sa pakikipagkasundo ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, sa tala ay nasa tatlong menor de edad na babae ang ikinakasal kada segundo.

“Children, 17 years old and below, are being married off right here in our own backyard, it’s antiquated and harmful practice,” pahayag  ni Herrera.

Dahil dito, muling nanawagan si  Herrera sa mga kasamahang mambabatas na ipasa ang House Bill 1486 o ang panukala na nagbabawal sa child marriage sa Filipinas.

Binigyang-diin ni Herrera na sa pamamagitan ng panukala, ang mga batang babae at lalaki ay magkakaroon ng oportunidad na mapaunlad pa ang kanilang kakayahan at magkaroon ng pagkakataong makapagdesisyon nang maayos kung kailan ang tamang panahon ng pagkakasal.

Ang panukala ay unang inihain ni Herrera noong 17th Congress pero hindi umusad kaya muling inihain nitong 2019 at naka-pending sa House Committee on Women at isa mga prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng Family Code of the Philippines, itinatakda ang 18-anyos bilang legal na edad para mag-asawa pero may mga komunidad pa rin na ipinakakasal ang mga bata bilang bahagi ng kanilang tradisyon at kultura.

Sa katunayan, sinabi ni Herrera na ang Filipinas ay ika-12 sa may pinakamataas na kaso ng mga batang babaeng nag-aasawa na umaabot sa 726,000 kung saan 15 percent o nasa 108,900 batang babae ay nag-asawa bago mag-18 anyos.

“Shockingly, 2 percent or 14,520 girls were married before they turned 15 years old. There is still so much we need to fight for even after the Philippines ratified the  United Nations Childrens Right Council in 1990 at ang ASEAN Declaration on the Elimination of Violence against Women and Violence against Children in 2004,” diin ni Herrera.