Nation

‘SOLID 7’ NG SENADO SUPORTADO ANG BAGONG DEPED SECRETARY

/ 3 July 2024

PROUD at ipinagmamalaki ng mga kasamahan ni Senador Juan Edgardo Angara sa Solid 7 ang pagtatalaga sa kanya bilang bagong kalihim ng Department of Education.

Sinabi nina dating Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, JV Ejercito, Nancy Binay at Sherwin Gatchalian na hindi matatawaran anng kwalipikasyon ni Angara upang pamunuan ang DepEd.

Ipinaliwanag ni Zubiri na si Angara ay maituturing na isa sa most accomplished legislators at public servants at kwalipikadong pamunuan ang ahensiya na may pinakamalaking bahagi sa national budget.

Bitbit, aniya, ni Angara sa DepEd ang kanyang brilliant fiscal mind, bilang dating chairman ng Senate Finance Panel at ang kanyang puso para sa kabataan biilang bahagi ng Congressional Committee on Education, bukod pa sa mga aral mula sa kanyang amang si dating Senador Edgardo Angara na tulad niya ay adbokasiya rin ang edukasyon.

Sinabi naman ni Legarda na tiwala siyang gagamitin ni Angara ang kanyang dedication at efficiency sa pamumuno sa DepEd at ang kanyang commitment sa pagresolba sa pangangailangan at kapakanan ng kabataan.

Idinagdag ni Legarda na ang liderato ni Angara ay magdudulot ng maliwanag na kinabukasan sa kabataan.

Kinatigan ito ni Villanueva sa pagsasabing magiging bright and ‘Sonny’ ang kinabukasan ng DepEd sa panunungkulan ni Angara.

Kumpiyansa naman sina Villanueva, Ejercito, Binay at Gatchalian na gagamitin ni Angara ang mga rekomendasyon ng EDCOM 2 sa pagresolba sa mga problema sa education sector.

Bukod sa suporta sa bagong posisyon, nagpahayag din ng kalungkutan sina Zubiri, Villanueva, Ejercito at Binay sa pag-alis ni Angara sa Senado dahil malaking kawalan siya sa Legislative Department subalit malaking tulong naman siya sa buong bansa.