SM SCHOLARSHIP TUMATANGGAP NA NG APLIKASYON PARA SA SY 2021-2022
MAAARI nang magsumite ng mga aplikasyon para sa SM Foundation, Inc. Scholarship Program SY 2021-2022 simula Enero 1 hanggang Pebrero 28.
Bukas ang iskolarsyip sa mga magtatapos ng Grade 12 ngayong taon mula sa mga pampublikong paaralan. Gayundin ay puwedeng magpasa ang Grade 12 graduating students mula sa pribadong paaralan basta mayroong Department of Education voucher.
Ang pagtatapusang high school ay dapat nasa covered areas ng SM sa Luzon (Metro Manila, Albay, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Sorsogon, Quezon, Rizal, Tarlac, Zambales), Visayas (Capiz, Cebu, Iloilo, Leyte, Negros Occidental), at Mindanao (Agusan del Norte, Davao del Sur, Misamis Oriental, South Cotabato, Zamboanga del Sur).
88 porsiyento lamang ang kahingiang general weighted average. Ang total household income ay hindi dapat lalagpas sa P150,000 per annum.
Nararapat na ang mga kwalipikadong iskolar ay kukuha ng kursong BS Computer Science, BS Electronics and Communications Engineering, BS Electronics Engineering, BS Civil Engineering, BS Mechanical Engineering, BS Electrical Engineering, o BS Information Technology.
Kasama rin ang mga kursong BS Accountancy, BS Accounting Technology, BS Accounting Information Systems, BS Internal Auditing, BS Business Administration major in Management Accounting o Financial Management, BS Elementary Education, at BS Secondary Education major in Biology, Chemistry, General Sciences, Physics, Mathematics, o English.
Saklaw ng SM Scholarship ang buong matrikula at miscellaneous expenses, buwanang allowance, part-time job opportunities sa panahon ng semestral o Christmas break, partisipasyon sa leadership at academic enrichment programs, at ekslusibong pagkakataong makapagtrabaho sa SM matapos ang kolehiyo.
Sa mga nais mag-aplay, bisitahin lamang ang https://bit.ly/33040FV.