Nation

SISTEMA NG BLENDED LEARNING PINAREREPORMA SA DEPED

/ 6 May 2021

UMAPELA si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Department of Education na magpatupad ng mga reporma upang mapagbuti ang ipinatutupad na distance learning sa gitna ng Covid19 pandemic.

Ito ay kasunod ng pag-amin ng senador na hindi rin dapat maputol ang pagkatuto ng mga estudyante sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa.

Sinabi ni Go na dapat gawin ng DepEd at iba pang concerned authorities ang lahat para matiyak na magkakaroon ng imporvement sa ipinatutupad na sistema ng pag-aaral habang hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes.

“Kawawa naman po ang mga bata, napi-pressure po ‘yung bata, malaking epekto po iyon sa kanila. Ang importante po, walang masayang na taon. Ang importante po matuto sila,” diin ni Go.

Una nang inihayag ni Go na kung siya ang tatanungin, kinakailangang makamit muna ng bansa ang herd immunity bago ibalik ang face-to-face classes.

Binigyang-diin ng senador na kasabay ng pagtitiyak ng pagkatuto, mahalagang masiguro ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante, gayundin ng mga guro at mga magulang sa gitna ng pandemya.