SI YAYA BA ANG SUMAGOT NG MODYUL? ALAM NI TITSER KUNG ANG BATA MISMO ANG SUMASAGOT — SEC. BRIONES
SINABI kahapon ni DepEd Sec. Leonor Briones na tiyak na malalaman ng mga guro kung si ‘yaya,’ o ang mga magulang ang sumasagot sa modyul ng mga anak.
SINABI kahapon ni DepEd Sec. Leonor Briones na tiyak na malalaman ng mga guro kung si ‘yaya,’ o ang mga magulang ang sumasagot sa modyul ng mga anak.
Ito ang tugon ng kagawaran sa kumakalat ngayon na video o pictures sa social media kung saan mga magulang umano ang sumasagot sa modyul.
“Sinasabi natin ang katotohanan, itinuturo natin ang honesty mas mahalaga. Pero ang pag-rate ngayon sa mga estudyante ay hindi lamang sa examination kundi sa mga isina-submit nila na mga project, kanilang mga portfolio, etc. Itong practice na ito dekada-dekada na ‘yon, kung minsan ang parents ang ini-expect na mag-solve ng problems o mag-fill up ng workbook. Kundi si yaya, minsan si ate o kung sino man ‘yong kasama sa bahay, nagiging practice iyan sa iilang pamilya,” sabi ni Education Secretary Leonor Briones.
“Saka ang teachers din, ako teacher ako mahahalata naman nila ‘yong mga question, ‘yong mga problem, etc. kung matandang lola ang sumagot o ang bata mismo. Mahahalata naman, eh kasi ‘yong mga patterns ng sentences, the way arguments are made etc. interpretations eh nagbibigay ng hint iyon sa teacher. So, ang teacher will call the attention of the family, kung minsan naman alam ko even before Covid19 mga parents nag-o-organize sila and there’s nothing wrong with it, they get together they teach each other also so that they can help out their children. Puwedeng mag-tutor sa bata, pero to answer the workbook themselves na sila mismo ang sasagot, medyo nahahalata naman iyan,” dagdag pa ng kalihim.
Pakiusap ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosado San Antonio sa mga magulang, maging tapat at ‘wag mandadaya para sa kanilang anak.
“Ang pakiusap natin sa mga magulang na ito na rin po ‘yong perfect na pagkakataon na magturo ng pagiging matapat ang ating mga bata. ‘Yung mga teacher naman po natin trained na mag-alam o mag- detect kung ‘yong mga nasa-submit sa kanila ay totoo at isa pang hinihingi namin na inaasahan sa mga kasamang guro natin diyan ay once a quarter na conversation, pag-uusap o kuwentuhan ng teacher at ng bata. Hindi naman kailangan ang mga tanong ay mga definition o ano sa pagkukuwentuhan ay makikita mo kung napalalim ‘yong mga pang-unawa sa mga konsepto, naunawaan ng bata ‘yong mga dapat na maunawaan nya,” paliwanag ni San Antonio.
“So ‘yan ‘yong isang nakikita nating paraan na talagang masisiguro natin na ang ipinakikita ng bata sa kanyang mga submissions ay naunawaan niya. ‘Yong mga portfolios naman magde-demonstrate ng kanilang mga kasanayan, mga kaalaman din ay gagamitin din natin at inilagay na po namin sa mga school ‘yong desisyon kung gusto nilang maliban doon sa sinasabi kong kuwentuhan ay mga formal pa silang schemes, lalo na kung naka-online distance learning kung saan puwedeng mag-usap si teacher at ang bata na parang nagbibigay ng mga dagdag na tanong ang teacher tungkol doon sa mga isinubmit na ginawang outputs ng mga bata,” dagdag pa ni San Antonio.