SHS STUDENTS MAKIKINABANG SA PARTNERSHIP NG VALENZUELA CITY AT IBM
ANG mga magtatapos sa senior high school ang higit na makikinabang sa partnership ng Valenzuela City at ng technology firm na IBM.
Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian kasunod ng paglagda sa P-Tech agreement sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng IBM.
Sa kanyang Facebook page, pinasalamatan ng alkalde ang inisyatibo ng IBM kung saan nakasaad sa kasunduan ang paghahanda sa mga magkokolehiyo o papasok sa techvoc na may matutunan sa Industry Education Program.
“The P-Tech program of IBM aims to synchronize our Senior High School to College – TechVoc to Industry Education Program,” ayon kay Gachalian.
Sa ilalim din ng kasunduan, titiyakin na ang curriculum ng mga mag-aaral sa SHS hanggang college at techvoc ay angkop sa kinakailangang kaalaman lalo na sa technology, math at science.
Inaasahan din na kapag nakapagtapos ang mga mag-aaral sa Valenzuela Polytechnic College ay taglay nila ang kaalaman ng kursong kinuha na kanilang magagamit sa hanapbuhay at sa sarling negosyo.
“The aim is to make sure the curriculum of our senior high school to college to techvoc addresses the needs of our industry so that we can produce graduates that are not jus talented but whose skill set matches what the industries of Valenzuela needs focusing on Science, Math, Technology,” nakasaad pa sa FB page ni Gatchalian.
Kumpiyansa rin si Gatchalian na maibibigay ng IBM ang tamang tech aid sa mga learner ng kanyang nasasakupan.