SHOW CAUSE ORDER VS GURO NA NAG-VIRAL SA PANINIGAW SA MGA ESTUDYANTE INILABAS NG DEPED
PINAGPAPALIWANAG ng Department of Education ang isang guro na viral sa social media matapos sermonan ang kanyang mga estudyante sa kanyang TikTok live.
PINAGPAPALIWANAG ng Department of Education ang isang guro na viral sa social media matapos sermonan ang kanyang mga estudyante sa kanyang TikTok live.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, inisyuhan ng show cause order ang babaeng guro para pagpaliwanagin sa kanyang ginawa sa loob ng 72 oras.
“The regional office has issued a show cause order addressed to the concerned teacher, giving her 72 hours to submit an explaination why she should not be charged administratively,” sabi ni Bringas sa isang online press conference.
“So, that is part of a due process natin doon sa ating rules and procedures sa ating administrative case,” dagdag pa ng opisyal.
Ani Bringas, bago pa man ang show cause order ay nakapag-isyu na rin ng memorandum ang school principal para kunin ang panig ng nasabing guro.
“The teacher was identified already by the DepEd-NCR,” ang sabi ni Bringas.
Sinabi rin ni Bringas na kailangan ding protektahan ang nasabing guro upang hindi siya isailalim sa public presecution.
“Kilangan din natin i-protect din ‘yung teacher natin lalong-lalo na na-viral and she’s receiving so many bashing and negative remarks,” ani Bringas
Sakaling mapatunayang nagkasala, maaari aniyang mapagsabihan lamang o ‘di kaya ay masuspinde at ma-dismiss sa serbisyo depende kung gaano kabigat ang pagkakasala.
“We need ascertain really ang culpability kung meron man ang ating teacher in violating certain provisions of our existing issuances,” pagbibigay-diin ni Bringas.
“We will let our due process go through at its natural course. Ang hiling nalang natin is while we protect the rights of our learners, we also need to protect the right og our teachers,” dagdag pa ng opisyal.