Nation

SENADOR SA TESDA: TRAINING SA DISPLACED WORKERS PALAKASIN PA

/ 9 November 2021

HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang Technical Education and Skills Development Authority na ibuhos ang kanilang resources upang tiyaking mabibigyan ng sapat na kakayahan sa pamamagitan ng training ang mga diplaced worker para sa mga bagong oportunidad.

“Ngayong new normal, training po ang kailangan ng ating mga manggagawa upang makasabay sa kasalukuyang pangangailangan ng ating labor market,” pahayag ni Villanueva.

“We appeal to TESDA to utilize all its available resources and tap all sectors and well-meaning stakeholders such as private tech-voc institutes to train en masse our displaced workers. We cannot fail our people because we in the government are their last resort for assistance,” dagdag ng senador.

Kasabay nito, nanawagan ang senador para sa masusing monitoring ng National Employment Recovery Strategy o NERS.

Kasama sa NERS ang TESDA training programs bilang ‘critical pillar’ ng retooling at reskilling ng mga unemployed worker na naapektuhan ng pandemya.

Samantala, nagpahayag ng suporta si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa mga programang isinusulong ni Villanueva, partikular sa pagpapalakas sa TESDA.

Binigyang-diin ni Santos-Recto ang kahalagahan ng skills training sa mga tao upang magkaroon sila ng trabaho.

“People are not asking for more or for millions. Our people only want to live comfortably, and by that, it means they are able to eat three times a day. Basta mayroong tamang trabaho ang ama ng tahanan, at kung minsan, pati ngayon ang nanay nila, kailangan nagtatrabaho na rin,” pahayag ni Santos-Recto.

Ipinagmalaki ng kongresista na noong 2014, ipinatupad ng Batangas provincial government at TESDA ang Special Training for Employment Program na isang community-based, specialized training program para sa employment sa grass roots level.

“’Yung TESDA natin, nagbibigay ng training ‘yan. Nandoon lang sila sa mga barangay nila, munisipyo o lungsod nila kahit hindi na sila masyadong lumayo. Ilang days nilang pagdadaanan iyang training na iyan, tapos through TESDA, may mga libreng toolkits pa for them to start. Nate-train natin sila kahit kaunti, mayroon silang mapagkakakitaan para sa pang-araw-araw nilang panggastos,” dagdag pa ni Santos-Recto.

“It’s one holistic approach, at ang ibinibigay nito ay ang pagkakataong magkaroon ng trabaho ang ating mga magulang,” dagdag pa niya.