Nation

SENADOR SA TELECOM GIANTS: MAGBIGAY NG LIBRENG INTERNET CONNECTION

/ 29 July 2020

UMAPELA si Sen. Win Gatchalian sa telecommunication giants na Globe Telecom at PLDT/Smart Communications na magbigay ng libreng internet connection para sa distance learning sa pag-bubukas ng klase.

Sinabi ni Gatchalian na kailangan ng malakas na connectivity sa lahat ng mag-aaral upang matiyak ang pantay na access sa oportunidad sa pag-aaral sa new normal.

Sa kabila ito ng paninindigan ng senador na nag modular distance learning o ang paggamit ng print-ed at digital self-learning modules pa rin ang dapat na ipatupad sa klase.

Hinikayat ni Gatchalian ang telecommunication companies na maglagay ng cell sites sa mga pam-publikong paaralan upang matiyak na lahat ng 42,046 barangays ay magkaroon ng access sa internet.

Ipinaliwanag ng senador na bawat barangay ay mayroong pampublikong paaralan kaya’t ito ito ang viable spots para sa cell sites.

Sa ganitong paraan, iginiit ni Gatchalian na walang maiiwang estudyante sa usapin ng edukasyon.

Sa readiness report ng Department of Education, mahigit 3 milyong estudyante ang mas pinipili ang online learning kumpara sa 7.3 milyon na mas gusto ang modular distance learning bilang alternative learning modality sa pagbubukas ng klase.

Mahigit 1.2 milyong estudyante naman ang mas nais ang television-based instruction habang 638,213 ang pumili ng radyo.

Lumitaw din sa report na nasa 2.9 miyong estudyante ang may internet connection sa bahay habang 1.8 milyon ang walang gadgets such tulad ng laptop, desktop, maging ng radyo o telebisyon.

“Bagama’t hindi natin itinuturing na hadlang ang kawalan ng internet upang patuloy na makapag-aral ang mga estudyante sa gitna ng pandemya, kailangang pagsikapan nating maabot ang bawat bata at bigyan sila ng pagkakataong matuto gamit ang makabagong mga pamamaraan,” pahayag ni Gatchalian.

“Kung bawat mag-aaral ay makakagamit ng internet, isang mahalagang hakbang ito upang maka-bangon ang ating sistema ng edukasyon mula sa epekto ng Covid19, gawin itong mas matatag sa panahon ng kalamidad, ” idinagdag pa nito.