SENADOR SA CHED: KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE IPRAYORIDAD SA FULL F2F CLASSES
BAGAMA'T suportado ni Senador Christopher 'Bong' Go ang panibagong memorandum ng Commission on Higher Education laban sa full online classes sa tertiary level, muli niyang iginiit na dapat iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.
BAGAMA’T suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang panibagong memorandum ng Commission on Higher Education laban sa full online classes sa tertiary level, muli niyang iginiit na dapat iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.
Kumpiyansa si Go na nakabatay sa good science ang desisyon ng CHED at dapat tiyakin na hindi rin maipapasa sa mga estudyante ang responsibilidad na matiyak ang maayos na mga hakbangin sa pagbabalik sa normal ng pag-aaral.
“As chair ng Senate Comm onHealth my primary concern is the health and welfare of our students. Wag nating ipasa ang burden sa estuudyante, while we welcome the gradual opening or the gradual move forward sa renormalization ng buhay natin, make sure lang po na hindi malagay sa alanganin ang buhay o kalusugan ng ating mga estudyante,” pahayag ni Go.
Muling binigyang-diin ng senador na dapat manatili pa ring sumunod sa health protocols at huwag maging kampante dahil nasa paligid pa rin ang Covid19.
Sinabi ni Go na sa gitna ng pagnanasa ng lahat na makabalik sa normal ang pamumuhay, dapat matiyak na hindi pa rin naisasantabi ang pangangalaga sa buhay lalo na’t wala aniyang part 2 ang buhay ng tao.
Muli ring kinalampag ng senador ang gobyerno upang palawakin at paigtingin pa ang kampanya para sa pagbabakuna kontra Covid19.
“At ang mga bata naman magpabakuna na kayo mas protektado kayo kapag bakunado kayo, sabi ko nga ang buhay hindi po pelikula, wala pong part 2. A lost life is a lost life forever. Kaya ingat pa rin tayo,” dagdag ni Go.