Nation

SENADOR: LICENSURE EXAMS MAHALAGA SA JOB GENERATION

/ 12 October 2021

MULING iginiit ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development Chairman Joel Villanueva ang hamon sa Professional Regulation Commission na maghanap ng alternatibong paraan upang maisagawa ang mga professional examination sa gitna ng pandemya.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Labor and Employment, sinabi ni Villanueva na 11 lamang sa 85 board exams ang naituloy noong 2020 at 29 sa 101 board exams ang naisagawa ngayong taon.

“Of course, we totally understand the health risks – kailangan po talagang mag-comply sa IATF,” pahayag ni Villanueva.

“And that’s the reason why we have been reiterating our call for the PRC to look for alternative ways of conducting licensure examinations in the new normal kasi ang laki po talaga ng impact ninyo sa job generation,” diin pa ng senador.

Sinabi ng mambabatas na bilang principal author ng First-Time Jobseekers Assistance Act, batid niyang mahalaga ang PRC license para makapag-apply ng trabaho.

“Naniniwala po tayo na malaki ang tungkuling gagampanan ng DOLE, POEA, OWWA, PRC at iba pa sa muling pag-usbong ng trabaho at kabuhayan ng ating bansa,” aniya.

“Our labor policies should be flexible enough to accommodate the necessary and unavoidable changes in our workplace but also sturdy not to compromise the rights and interest of the Filipino worker,” dagdag pa ng senador.