SENADO HANDANG MAKIPAGTULUNGAN KAY VP SARA PARA SA PAGBABAGO SA SISTEMA NG EDUKASYON
HANDANG makipagtulungan ang Senado kay presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio hinggil sa pagsasaayos ng sistema ng edukasyon sa bansa sa sandaling manungkulan na ito bilang kalihim ng Department of Education.
HANDANG makipagtulungan ang Senado kay presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio hinggil sa pagsasaayos ng sistema ng edukasyon sa bansa sa sandaling manungkulan na ito bilang kalihim ng Department of Education.
Ito ang tiniyak ni Senate Committee on Higher and Technical Education chairman Joel Villanueva bilang reaksiyon sa desisyon ng presumptive President Ferdinand Marcos Jr. na ibigay kay Duterte-Carpio ang pamamahala sa DepEd.
“Prerogative po ng presumptive president na pumili ng kanyang gabinete. We are looking forward to seeing and studying the education platform of the incoming administration, and craft meaningful laws and policy for the education sector,” pahayag ni Villanueva.
“Handa rin po tayo sa Senado na makipagtulungan para mapabuti lalo ang sistema ng edukasyon sa bansa, simula sa pag-angat ng sitwasyon at kapakanan ng ating mga guro,” dagdag ng senador.
Binigyang-diin ng senador na nasa kamay ng mga guro ang susi ng reporma sa edukasyon at krisis sa karunungan at sila ang nagtutulay ng mga estudyante na maging mga manggagawang mag-aambag sa kaunlaran ng bansa.
“Malaki po ang role ng DepEd sa pagpapatupad ng mga landmark legislation gaya ng ating inakda at isinulong na Excellence in Teacher Education Act, Philippine Qualifications Framework Act, panukalang Second Congressional Commission on Education, at iba pa,” diin ni Villanueva.
“We’re ready to help evaluate, tweak, or even introduce new initiatives to continue education reform under the leadership of soon-to-be Education Secretary Sara Duterte,” dagdag pa ng mambabatas.