Nation

SEN. GO MALAMIG SA PILOT IMPLEMENTATION NG F2F CLASSES

/ 16 December 2020

NAGBABALA si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa panganib hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga guro at iba pang tao kung tuluyan nang bubuksan ang mga eskuwelahan.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pilot implementation ng face-to-face classes sa low Covid-risk areas sa Enero 2021.

“Pilot lang po ‘yun, pinaaprubahan ito ng ating Secretary of the Department of Education. Susubukan nila sa low-risk areas. Dapat with consent po ng local government units, may consent ng mag-aaral,” pahayag ni Go.

“Pero ako naman po personally, no vaccine, no face-to-face classes pa rin po kasi po ‘pag may nagpositibo po diyan na isa, magsasara na naman ang eskwelahan, back to zero na naman po, back to square one, contact tracing na naman,” dagdag pa ng senador.

“Eh, ilang buwan na lang naman po magsasara na ang eskuwelahan, hintayin na lang po natin ang vaccine para po unti-unti ay makapag-adjust na tayo, makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay,” pagpapatuloy pa ng mambabatas.

Duda rin ang senador na makakakuha ng consent ng mayorya ng mga magulang ang pagsasagawa ng dry run.

“Kailangan ng consent ng magulang, sa tingin ninyo ba may mga magulang na magbibigay ng consent? So, kukulangin pa rin ang klase. So.  kung halimbawa 50 sa classroom, ang magbibgay lang ng consent dalawa lang po o isa lang po o baka mas marami pa pong matakot na magbigay ng consent na papasukin ang kanilang mga anak,” pagbibigay-diin pa niya.

“Siguro ho dapat pag-aralan muna, hindi naman sa ayaw ko o kumokontra ako sa proposal ng DepEd, dapat pag-aralan muna nating mabuti dahil nakataya dito ang buhay ng bawat bata at bawat Filipino, hindi lang mga estudyante at kaguruan natin,” dagdag pa ni Go.