SEC. BRIONES NANINDIGAN SA ‘AGOSTO 24,’ KINASTIGO NG NETIZENS
KINASTIGO ng netizens si Education Sec. Leonor Briones sa panindigan nitong buksan ang mga klase sa buong bansa sa darating na Agosto 24 sa gitna ng pinaigting na pagkilos ng multi-sectoral group na iurong ang school opening sa kadahilanang hindi umano handa ang gobyerno sa gagamiting blended o flexible learning.
KINASTIGO ng netizens si Education Sec. Leonor Briones sa panindigan nitong buksan ang mga klase sa buong bansa sa darating na Agosto 24 sa gitna ng pinaigting na pagkilos ng multi-sectoral group na iurong ang school opening sa kadahilanang hindi umano handa ang gobyerno sa gagamiting blended o flexible learning.
“The opening of classes will push through no matter what,” mariing pahayag ni Briones, na nagpaliwanang na walang dahilan para iurong ang nasabing petsa ng pagbubukas ng mga klase dahil wala umanong binabanggit ang Pangulong Duterte na postponement.
“Walang sinabi ang Presidente na babaguhin ang petsa ng opening of classes, ang alam niya ay ang face-to-face classes will be in 2021,” pahayag ni Briones.
Idinagdag pa ng Kalihim na ang blended learning ay hindi na bago sapagkat 1940s pa umano ng pasimulan ito… at halos ‘singtanda na umano nya ang nasabing sistema ng pagtuturo.
Kanya pang ikinuwento na maraming mga mag-aaral ang nagpapadala sa kanya ng e-mail na nagsasabi umanong nais na ng mga itong mag-umpisa ang pasukan.
“The DepEd can’t stop students from learning and pursuing the opportunity to achieve their dreams,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Hindi umano puwedeng pagkaitan ang mga bata ng opportunity na sila’y makaangat sa buhay, ‘pagkat sila’y handa na umano para sa buhay ng adults pagkatapos ng kanilang pag-aaral.
Inulit ng Kalihim na imposible ang pagdaraos ng face-to-face classes habang wala pa umanong natutuklasang bakuna laban sa coronavirus.
Sumambulat naman sa social media ang maaanghang na batikos matapos marinig ang pagdiin ni Sec. Briones sa petsa 24 ng Agosto bilang pagsisimula ng pasukan para sa SY 2020-2021.
Tugon kay Briones ng isang Hernan Lao sa kanyang Facebook reaction: “Ma’am you don’t just talk with the president. You talk with your teachers, the students, the parents and every stakeholder. You consult and derive your decision from that consultation. And you can resign too and allow fresh minds to work.”
Banat naman ng isang Bong Supremo: “Secretary Leonor mag-retire ka na please, you are so old to handle this very critical moment of our educational system, anyway you contributed much as a public servant.”
Madamdamin naman ang post ng isang Doudz Binru Ruay: “ Better for a child to lose i year in school than to lose a child forever.’ “With all due respect Madam Secretary, your department is not ready! Never been ready even if there’s no pandemic,’ ang dugtong naman ng isang Fatima Marie Montallana.
Habang santambak pa ang Facebook posts na humahagupit sa desisyon ng DepEd na ituloy sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase ay nagpasaklolo naman ang Teachers Dignity Coalition sa Kongreso para maiurong ang opening of classes sa nasabing petsa.
Gumugulong din ang petisyong multi-sectoral na “Wag Ipilit ang Agosto 24” upang hadlangan ang desisyon ng Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagbubukas ng pasukan nitong school year 2020-2021.