Nation

SCHOOL OPENING SA AGOSTO 22 WALANG URUNGAN

/ 16 August 2022

TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 kahit sa mga lugar na nasalanta ng lindol sa Abra at sa mga karatig-lalawigan, ayon sa  TO .

“Talagang tuloy na tuloy po ang ating opening sa August 22,” wika ni DepEd spokesman Michael Poa.

“Sa ngayon sa mga earthquake-stricken areas meron na po tayong ginagawang interventions doon. We are also planning to implement the alternative delivery mode doon,” dagdag pa ni Poa.

Sinabi pa niya na mayroon namang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na isuspinde ang klase sa kanilang lugar kung ano ang sa tingin nila ang makabubuti sa mga mag-aaral.

“At least on the part of the Department of Education tuloy po ang pasukan at pag-open ng classes sa August 22, including ‘yung Northern Luzon areas po natin,” ani Poa.

Ayon sa pinakahuling talaan ng kagawaran, nasa 20,628,682 mga mag-aaral ang nag-enroll na para sa darating na pasukan.

Sa bilang na ito, 18,147,254 ang mula sa mga pampublikong paaralan, 2,411,042 ang mula sa mga pribadong paaralan, habang 70,386 naman ang mula sa mga state universities and colleges at local universities and colleges.