SCHOOL GARDENING MAKATUTULONG SA PAGDISIPLINA SA MGA MAG-AARAL
MALAKI ang paniniwala ni Camarines Norte 2nd District Rep. Marisol Panotes na makatutulong sa pagdidisiplina sa mga estudyante ang pagtuturo ng gardening.
Sa House BIll 5332, isinusulong ni Panotes na isama sa secondary school curriculum sa pampubliko at pribadong paaralan ang school gardening.
“Foreign published articles reveals that school gardening is an innovative teaching tool and strategy that lets educators incorporate hands-on activities in a diversity of interdisciplinary, standards-based lessons,” pahayag ni Panotes sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag ng kongresista na batay sa pag-aaral, sa pamamagitan ng school gardening ay nahihikayat ang mga estudyante na maging mapagpasensiya, makabuo ng koopearsyon o teamwork at social skills.
Natututo rin silang mag-eksperimento ng mga tamang pag-aalaga sa kalikasan at mas lumalawak ang kanilang kaalaman sa eco system.
“The research study also proved that School Gardening is educational and develops new skills, including Responsibility form caring for plants, Understanding–as they learn about cause and effect; Self-confidence — from achieving their goals and enjoying the food they have grown,” dagdag pa ng kongresista.
Alinsunod sa panukala, mandato ng Department of Education na bumalangkas ng mga regulasyon para sa pagsasama ng gardening sa school curriculum.