Nation

SCHOOL CAMPUSES PINAGAGAMIT SA LICENSURE EXAMS

/ 17 December 2020

IMINUNGKAHI ni Iligan City Rep. Frederick Siao na buksan na ang mga school campus para magamit bilang venue ng licensure examinations.

Sinabi ni Siao na kailangan nang magpatuloy ang mga pagsusulit upang hindi kapusin ang bansa ng mga eksperto.

“Board exams can resume safely in Modified General Community Quarantine areas and in more spacious locations so that up to two meters of physical distancing can be followed, along with the use of face masks, face shields, and other precautions,” pahayag ng chairman ng House Committee on Professional Regulation.

“We have manpower shortages and oversupply. The shortages are what I am worried about,” diin ng kongresista.

Iginiit ng mambabatas na sa gitna ng mga infrastructure project na isinusulong ng gobyerno at mga pribadong kompanya, mas maraming mga professional ang kailangan.

“All those Build Build Build and housing backlogs need engineers, architects, master plumbers, and master electricians. Two years of no board exams for those professions will be felt at workplaces everywhere,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa gobyerno pa lamang, batay sa datos ng Department of Budget and Management, mayroong 177,874 bakanteng posisyon na pawang nangangailangan ng Civil Service Eligibility.