Nation

SCHOLARSHIPS SA PWDs, DEPENDENTS ISINUSULONG SA KAMARA

/ 9 April 2021

ITINUTULAK ni Bacolod City Rep. Greg Gasataya ang panukala na nagsusulong ng scholarships sa persons with disabilities at kanilang mga anak.

Sa kanyang House Bill 0568 o ang proposed Comprehensive PWD Scholarship Act, sinabi ni Gasataya na nakasaad sa Konstitusyon na mandato ng estado na magsilbing magulang sa sinumang mamamayan.

“It is the responsibility of the State to look after the well-being of its people especially those who are unable to fully defend and take good care of themselves,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.

Iginiit ng mambabatas na dapat ding bigyang prayoridad at oportunidad sa dekalidad na edukasyon ang mga may kapansanan.

“The State must provide them equal access to free and accessible education in the form of scholarship grants to help them obtain a college degree,” dagdagd pa ng kongresista.

Alinsunod sa panukala, mandato ng Department of Education at ng Commission on Higher Education, katuwang ang Department of Social Welfare and Development, na magkaloob ng scholarship grants sa mga PWD at kanilang mga anak.

Ang pondong kakailanganin para sa grants ay magmumula sa taunang budget ng dalawang ahensiya ng gobyerno.