Nation

SCHOLARSHIP SA KADA PAMILYA ISINUSULONG SA KONGRESO

/ 14 February 2021

ISINUSULONG ni Camarines Sur 5th District Rep. Jocelyn Fortuno ang panukala para sa pagbibigay ng scholarship sa bawat pamilyang Filipino.

Sa kanyang House Bill 5863 o ang proposed One Family, One Scholar Act, iginiit ni Fortuno na polisiya ng Estado ang pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon at sa promosyon ng human liberation and development kasabay ng pagkilala sa pamilya bilang basic social institution.

“The family shall be strengthened when the State shall privide with the opportunity to send at least one member of every Filipnino family to college free from any related financial expenses,” pahayag ni Fortuno sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, babalangkasin ang One Family, One Scholar Program kung saan isang miyembro ng bawat pamilya ang bibigyan ng nauukol na college course o training para sa technical o vocational skills na libre.

“The scholarship grant shall cover all related expenses including but not limited to board and lodging, book allowance, transportation allowance, etc.,” dagdag ng kongresista.

Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng programa ay mababawasan ang dropouts at out of school youth at kinalaunan ay makatutulong sa ekonomiya ng bansa.