SCHOLARSHIP SA HEALTH WORKERS IKAKASA
PLANONG sundan ng Pilipinas ang ginawa ng Minister of Health ng Singapore na lumikha ng scholarship para sa mga healthcare worker na nais mangibang-bayan.
Sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople na magpupulong pa sila ng IATF para bumalangkas ng scholarship fund para sa healthcare workers na magtatrabaho sa ibayong dagat.
Sa ngayo ay tinututukan na ng DMW at IATF ang paghahanap ng pagkukunan ng scholarship fund sa pamamagitan ng bilateral talks sa ibang bansa kung saan hihilingin nilang makapag-ambag ang ibang bansa para rito, partikular ng medical technologist.
Nagmula ang nasabing ideya sa Minister of Health ng Singapore at bukas ang Singapore-based Temasek Foundation at US-based Staffing Agencies para tumulong sa nasabing panukala.
Ang planong scholarship sa mga healthcare worker ay bilang pagkilala sa pagnanais ng mga ito na magtrabaho sa ibang bansa,