SCHOLARSHIP PROGRAM SA STUDENT TEACHERS ISUNUSULONG
SA LAYUNING mapalawak ang kakayahan ng mga guro sa bansa, isinusulong ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukala para sa pagpapalakas ng Teacher Education Council.
Sa kanyang House Bill 8441, nais ni Romuo na amyendahan ang Republic Act 7784 o ang An Act to Strengthen Teacher Education in the Philippines by Establishing Centers of Excellence, Creating a Teacher Education Council for the Purpose, Appropriating Funds Therefor, and for Other Purposes.
“There is a need to enhance the TEC in order for it to be able to properly respond to the exigencies of the present. Through this measure, we will be able to raise and maintain the necessary level of efficiency and productivity of our teachers in delivering the quality of education that our learners deserve,” pahayag ni Romulo sa kanyang explanatory note.
Isa sa binigyang-diin ni Romulo sa panukala ang pagbuo ng scholarship program para sa student teachers upang mahikayat ang mga ‘top caliber’ student sa teaching profession.
Magkakaroon din ng scholarship program sa incoming undergraudte students at career shifters para sa education program.
Nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng teacher demand analysis and recruitment campaign upang maraming undergraduate students at program shifters ang kumuha ng education program.
Bubuo rin ng programa katuwang ang private at public basic education schools para sa annual career talk para ipaliwanag ang kagandahan ng teaching profession.
Sinimulan na ng House Commitee on Basic Educatin and Culture at Commitee on Higher and Techical Education ang pagtalakay sa panukala.
Napagkasunduan ng komite ang pagbuo ng technical working group para pag-aralan ang bawat probisyon ng panukala.